We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Pinoy Pop (2015)

by japsuki

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    Purchasable with gift card

      $7 USD  or more

     

  • Full Digital Discography

    Get all 3 japsuki releases available on Bandcamp and save 25%.

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality downloads of Stereo Mood Swings (2017), Pinoy Pop (2015), and Monologue Whispers (2011). , and , .

    Purchasable with gift card

      $13.50 USD or more (25% OFF)

     

1.
Comfort Zone 03:50
Dito madalas tumatambay ‘Pag gusto kong magpaka high sa tahimik na buhay Dito madalas nawawala ako sa aking sarili Please don’t disturb me, ‘cos I’m in the zone And yung autopilot mode is on Comfort zone I need some time on my own Comfort zone I don’t wanna be on my own Umakyat sa bundok, umabot sa tuktok And just like that I’m on top of the world Malamig na simoy ng hangin Naglalakad sa buhangin Gusto ko'ng mag swimming basta hindi malalim Or pwede ring mag fishing for compliments, or for fish Ang sarap ng coffee in the morning Ang sarap ng late gumising at pa-bandying bandying Kahit once a month lang Wala ngang forever meron namang babalikang peace of mind Wala ngang forever meron naman, kahit sandali lang, peace of mind Wala pa ring tatalo sa peace of mind
2.
Nagsimula sa patingin-tingin Ang daming chances na wala pa rin Tapos haluan pa ng low self-esteem Ayan forever kang hanggang tingin Kung ikaw mapa sa’kin, hindi ka iiyak except for tears of laughter Pero bago ka mapa sa’kin, tama nang pantasya Let’s get real Konting effort din Pwede bang tayo na kaagad? Hirap muna bago sarap Gusto mong katawang mapapa “Oh my God!” Hirap muna bago sarap Ilang sweldo na lang, long vacation na Hirap muna bago sarap Aba’y Lunes na agad, ‘di ba pwedeng relax na muna?/ Patapos na ang kanta, nakikinig ka pa. Hay sarap! Lahat na binigay sa atin para lalong mapansin Merong pampa puti, merong pampa payat Merong honeymoon tea para tuloy ang ligaya Asahang iiba ang aura mo, instant ito Himala! One click lang nagbago na’ng mundo Kung pwede lang i-skip na’ng proseso Walang shortcut sa mga gustong mangyari Walang shortcut sa pag move on Walang imposible, kung kayang mag tiyaga Kung may tiwala sa sarili, edi ikaw na!
3.
Southside 04:12
Sucat, ang aming little EDSA Kung saan walang bawal sa daan Pito lang ang kailangan mo at may trabaho ka na Patapik-tapik lang sa likod ng oto Annyeong Haseyo! Welcome sa neighborhood ko! In case of inconvenience, don’t worry! Sa bawat kanto may convenience store 24/7 at your service We’ve got it all for you! Southside Ako’y taga southside Kamusta na toll rates natin ngayon? Southside, Manila southside Unofficial probinsya ng taga north Balita ko malakas ang ulan sa inyo Dito sa amin, it’s not even drizzling Makasalanang short shorts nagkalat, lalo na ‘pag summer Kung ‘di ka maingat baka mabangga ka kakatingin Kung gusto mo ng cool getaway, Tagaytay is a stone’s throw away Kung gusto mo mag beach, ang Batangas, Cavite, within reach Kung trip mo mag bar hopping, sa BF Homes ang landing Kung trip mo namang mag biking, bumili ka ng bike Some call it steady, some call it dirty The steady, dirty south Some call it steady, some call it dirty I like to call it home Southside So near yet so far away I can’t wait to see you I can’t wait to be near you again
4.
Pinoy Time 03:49
Panic! It’s time to panic Panic! ‘Wag kang mag panic! Gising na’ng araw Naka silip na Hindi pa tumutunog ang alarm May sampung minuto pa Buti pa sa snooze button, may second chance ka pa Yun lang, naabuso Alas-siyete na Nasaan ka na? Ang sabi ko, “I’m 10 minutes away.” Ayun pala hindi pa naliligo Nag quickie breakfast pa Traffic Buti pa ang traffic Hindi ka iiwan ng traffic Pasok ang palusot mo sa traffic Pagdating sa location, wala pang nangyayaring action Hinanap ko ang kausap ko Ang sabi, “I’m on my way!” Patay tayo diyan Narinig ko nay an Pare-parehong dahilan Ang hassle pa sa umaga, delayed reaction ang pag gising ng tiyan Panic! I sense something volcanic Oh, this will be tragic! I think it’s time to panic! Lagyan ng call time ang call time Raise ang allowance ng travel time Expect na traffic all the time Welcome to Pinoy time! Change! It is about time
5.
Ibang Mundo 04:02
Isa-isa lang Mahina ang kalaban Madaming salitang nabitawan na masakit sa kalooban Saglit lang Nag-overheat nanaman ang ulo ko Ilulublob ko lamang sa isang damukal na yelo I’m so sorry ‘Di ko talaga sinasadya I let my emotions get the best of me Kung maibabalik ko lang Malay mo may ibang mundo na mas para sa atin Kung saan ‘di masyadong masasaktan ang mga damdamin At ‘di masasayang ang mga luha Kung magkita man tayo sa ganitong mundo Sana mapatawad mo na ako Sa bawat pag pikit, may instant replay sa utak ko Kagulo! I have to call in sick ‘cos I feel like shit Kailangan nang lagyan ng closure ito You need some space, I know! Time heals all wounds they say Kung meron lang sa botika ng time Suki na ako
6.
Lipas Oras 04:25
Napa aga ata ang aking pagdating Ngayon ang daming oras na pwedeng patayin Meron bang malapit na pwedeng mag-malling O kahit saan basta may aircon at libre tingin Pampa lipas oras lang Babalik din sa katotohanan Kung may naiwan, may babalikan At kung nahanap, ang feeling ganap Naparami ata ang aking nainom Ang sabi ko pa, “1 round lang and aalis na’ko.” Juskup! Kapag nga naman may kasiyahan, lumilipad ang oras Kapag naman nasobrahan, lumilipad ang utak Overtime nanaman, pero ‘di dahil masipag ako Kailangan nang hagod sa pagod bago umuwi May bukas pa Steady ka lang diyan muna, diyan ka lang muna Naku! May araw na! ‘Di ka pa nakakatulog andito na ang bukas Pampa lipas oras lang nga ba o tuluyang nahulog na?
7.
Username 03:56
Habang may oras pa, mag-ipon na ng lakas ng loob Siguradong magkaka araw na kakailanganin mo ito bilang isang tungkod Habang friends pa kayo, alamin kung paano sila, lalong lalo kung krisis na Hindi naman sa nawawalan na ng tiwala sa tao Pero maganda nang sigurado When the time comes, ikaw ay kasado Nasaan ka nung kailangan kita? Ayan! Ngayon ka magpakita dahil may kailangan ka Nasaan ka nung hinanap kita? Wala! Hindi ka nagpakita Kamo dahil busy ka May phone-in question ang long time, no see friend May business opportunity Ito’y sureball at trendy Of course, may catch and no guarantees You had me at, “I need your salapi!” Tupang naka bihis lobo Grabe ang bait bait mo! Kung napiga ka na, it’s time to go Mabilis pa sa alas-kwatro Please enter your username in here, but use your name
8.
Alala 04:29
Kahit napaka ganda ng araw ko’y imposibleng hindi masira sa EDSA Kahit isang pasada lang Aanhin pa ang multa, kung wala din namang disiplina Uulit-ulit lamang siya Alala. Mag-alala. Bakit ‘di pa umuuwi ang aking mahal, ‘di kaya may iba? Na-traffic lang pala Alala. Mag-alala. Taga Paranaque pa ako Kung pa-Novaliches ba kailangan ko pa ng visa? Nangunguna sa balita kahit na headline lang ang alam Imagine-in mo kung buhay mo pinag piyestahan ng kahit sino Ipaubaya sa Maykapal para makuha mo ang gusto mo Pero paano kung ‘di makamit ito? Alala. Mag-alala. Napanaginipan ko nawalan ako ng ngipin, dalawa sila Alala. Mag-alala. Naiwan ko atang bukas ang gripo sa banyo nanaman Ang dami kong angal sa mundo Nababawasan na ang IQ ko kaiisip ng solution Nag fe-feeling merong position Teka nga muna Bakit ko ba pina komplika? Eh kung sarili ko nga ang daming pending na kailangan baguhin Simulan nang baguhin ‘Wag mag alala Kanya-kanyang trip lang Ayoko nang alalahanin pa Kanya-kanyang trip lang
9.
Eto nanaman Isang dead end na usapan Hindi porke’t may freedom, wala itong hangganan Gusto mo ba ang mga nangyayari? Kaya pa bang maki-bahagi, o nakikisama lang para hindi maiwan? Ano ba ang boses ng nakararami? Ito ba’ng mag didikta sa atin, o sundan na lang ang puso? Wala na bang nakikinig sa atin? Wala na bang silbi ang bulong sa hangin? Wala na bang apoy ang iyong damdamin? Kung wala na, tama na Mahirap magkasundo kung simula pa lang sarado na’ng isipan Lalong mahirap ipag-pilit ang sasakyang wala namang manibela Wala namang sasakay Pero sa tagumpay ng isa, lahat damay Wala na bang supply ang hulog ng langit? Wala na bang kantang hindi ako sumabit? Wala na bang gumagawa ng bagong awit? Kung wala na, tama na
10.
Extra Kanin 04:15
Bakit ba parating may natitirang isang piraso ng pagkain sa plato? Alam mo kung ano ang tawag naming diyan? Pinoy piece. Wow! Na-excite ako nung makita kong isang gallon ng icecream na sa freezer Iba’t ibang flavor. Agad kinuha ‘to, ayun lang, pag bukas ay isda pala’ng laman So nginatnat na lang ang cone na Belgian Extra kanin lang naman ang kailangan ko ‘Dibaleng konti ang ulam, basta may condiments Pa-extra kanin ka naman Additional order ‘to Naubusan na kasi ng ulam Ate, may toyo ka ba? Naki-C.R. ako na naka puwesto malapit sa kusina Nadaanan ko isang pamilyang nag me-merienda Ang sabi, “Kain tayo!” Ang sabi ko, “Ay, sige lang po. Busog pa po ako!” Walang lusot ang bote ng softdrinks, coffee, juice, at peanut butter It will live forever Lalagyan ng water o kaya pwede din gawin siyang tabo o paso Hooray! May buffet! Ilabas ang plastic at aluminum foil Ang pa-takeout automatic Para ang food hindi ma-spoil Extra kanin lang naman, tataba na’ko Buti na lang may gravy, may dip ka na, sabaw ka pa Extra kanin lang naman ang kailangan ko Bale table for one, and kanin for two

about

Another passion project album written, recorded, mixed by Japs Sergio using GarageBand. Summer 2015.

Mastered by Dok Sergio
Artwork: Danmir Mercado

"“Pinoy Pop,” the new record from Japsuki (Japs Sergio), is not so much a hard stab at populism but a folky renegotiation of “easy listening,” where ease does not equate with lack of depth, where depth isn’t, ultimately, anchored on high-brow gestures."
~ Aldus Santos (Pinoytuner/The Purplechickens)

Read the rest of this review: pinoytuner.com/digradio/content/reviews/2304/japsuki__pinoy_pop#.VXZyUSzvjTq

Check out my 1st album here japsuki.bandcamp.com/album/monologue-whispers-2011

credits

released June 9, 2015

license

all rights reserved

tags

about

japsuki Parañaque City, Philippines

contact / help

Contact japsuki

Streaming and
Download help

Redeem code

Report this album or account

japsuki recommends:

If you like japsuki, you may also like: